Tuesday, February 10, 2009

Kung ako ang presidente ng Pilipinas...


A wise and frugal government, which shall leave men free to regulate their own pursuits of industry and improvement, and shall not take from the mouth of labor and bread it has earned -- this is the sum of good government.

Unang Araw sa Puwesto bilang Pangulo

Back to square one ang lahat, ibig sabihin, tatanggalin muna lahat ng government offices kasama na lahat ng mga departmento ng gobyerno at mga sangay sangay nito. Magdulot man ito ng political instability, mas maisasaayos naman kung baging simula ang lahat sa aking panunungkulan. Hindi naman kasi lahat ng sangay ng gobyerno ay napakikinabangan ng nakararami. Madalas ang ilan sa mga ito ay nagiging pabigat lamang dahil inaalayan pa sila ng mangilan ngilan ring milyong piso na mas higit na mapakikinabangan kung sa ibang pangangailangan ilaan.

Hindi naman ibig sabihin nito na tatanggalin lahat sa trabaho. Di ko naman nais na mawalan ng trabaho lahat ng nasa gobyerno pero kung sino lang ang kinakailangan, sila na lamang ang bubuuing muli.

Dahil unstable pa ang unang araw ko, ang tanging iiwan ko pansamantala sa kapangyarihan ay ang mga militar at mga pulis. Ang mga mahuhuling gagawa ng krimen, sa anumang paraan, ay papatawan ng habambuhay na pagkakabilanggo dahil sa pananamantala sa sitwasyon ng gobyerno. Bawal ang anumang kilos protesta sa araw na ito at ang lahat ay pinapayuhang maglagi na muna sa kanilang tahanan para na rin sa kanilang proteksyon. Dahil sa nabanggit, walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan, pati na rin sa lahat ng kagawaran ng gobyerno.

Para sa mga nasa pribadong sektor, pinapayuhan na rin munang mapagmasid ang mga ito at huwag na munang magbukas ng mga establisimyento kung hindi naman kailangan.

Hindi naman dahil umaabuso ako sa aking posisyon ngunit nais ko munang ayusin ang pundasyon ng ating bansa…

Ikalawang araw hanggang sa Ikapitong araw (Unang Linggo sa Puwesto bilang Pangulo)

Unti unting ibabalik ang mga kagawaran ng gobyerno. Ilan sa mga ito ang:

□ Department of Education
□ Department of Justice
□ Department of Health
□ Department of Labor and Employment
□ Department of Tourism

Pero bilang pagbabago, para makatipid na rin sa budget ng bansa, lalawakan ko ang sakop ng mga kagawarang ito, bagkus, magkakaroon sila ng panibagong pangalan. Ang DepEd ay magiging DECS ulit para sila na rin ang mangalaga sa pagpapalawak ng kultura at sports sa ating bansa. Mas efficient kung tutuusin ang DECS kaysa sa DepEd dahil mas holistic ang learning ng kabataan noon kumpara ngayon.

Ang DOJ ay makikipagsanib puwersa na sa DILG dahil pareho lang naman silang nagpapatupad ng mga batas. Kaya magiging Department of Justice and Good Governance na ang kanilang pangalan.

Ang DOH ay makikipagsanib puwersa na sa DSWD dahul pareho silang nangangalaga sa welfare at well-being ng mga tao sa bansa. Dahil dito magiging Department of Health and Welfare Development na ito.

At ang DOLE ay isasama na sa DTI o Department of Trade and Industry dahil di naman mapagkakailang kakaunti lang naman ang may trabaho sa loob ng bansa at walang masyadong industry sa bansa. Kaya magiging Department of Labor, Trade and Industries na ito.

Mas paiigtingin naman ang puwersa ng military at pulisya dahil sa mas masidhing pagsasanay at magkakaroon na sila ng mga strict requirements bago makapasok.

Sa pagpapatupad ng batas, magkakaroon na ng mas striktong pagpapatupad ng mga ito at sa bawat isang mahuhuling lumalabag sa mga ito, kahit sino man siya, kahit na ako, bilang isang pangulo ay ikukulong at ipapahiya sa buong bansa. Disiplina ang una sa mga dapat pagtuunan ng pansin ng aking gobyerno kaya ang walang disiplina ay maaari ng umalis ng bansa sa lalong madaling panahon.

Ikalawang Linggo hanggang Ikaapat (Unang Buwan sa Panunungkulan)

Dahil parang may silent Martial Law, patuloy pa rin naman ang mga palabas sa telebisyon at mga sinehan. Yun nga lang, may matinding censorship na at tanging Pinoy films, Pinoy talents at Pinoy music ang puwedeng ipakilala sa mga tao para naman maging mas nationalistic sila. Kahit sabihin mong makakaantala ito sa pagiging globally competitive ito ng mga Pilipino, mas gusto ko naman maging aware muna sila sa sarili nilang kultura kaysa maging dalubhasa sila agad sa ibang kultura.

Dahilan na rin dito, ang magiging medium of instruction sa paaralan ay Pilipino at hindi English at pati ang Science at Math ay ituturo sa Pilipino at hindi sa English. Hindi ito magiging madali pero hindi rin ito mahirap dahil tulad sa Japan, ang mga sciences nila ay itinuturo sa Niponggo pero mas lamang sila sa teknolohiya kaysa sa mga English-Speaking nations sa Asya.

Maraming magiging pagbabago sa Edukasyon, tulad na lamang ng pagtuturo ng Algebra sa Elementary at mas magiging advance ang mga subjects sa High School. Bubuhayin ang NSAT at NEAT at lalong magiging mahigpit sa pagpapatupad nito. Ang mga hindi papasa ditto ay hindi makaka usad sa susunod na baitang ng pag aaral at ang mga mangongopya naman ay automatikong bagsak na rin.

Bukod dito, pararamihin ang mga Science High Schools at ang DECS kung saan under na rin ang dating DOST, ang siyang mamahala sa mga ito.

Sa larangan ng agham at teknolohiya, bibigyan ng mas mataas na pagpapahalaga ang mga bagong imbensyon na makakatulong sa bansa. Paiigtingin ang mga researches sa bansa at isasama na sa curriculum ng elementary students ang research at robotics.

Sa taxations naman, papatawan ng pinakamatataas na tax ang mga bisyo ng tao tulad ng yosi, alak at mga fast food chains. Kung mawala man ang mga investors ng nasabing produkto, papalitan naman ito panigurado ng mga iba pang investors sa pamamagitan ng pagpapababa ng buwis sa mga basic necessities ng mga tao. Para iwas bisyo na ang mga tao, diba?

Unang Buwan hanggang sa Ikalabing dalawang Buwan (Unang Taon ng Panunungkulan)

Patuloy ang mga programang nasimulan. Ang mga obrero at manggagawa ay bibigyan ng mas maraming benefits at bibigyan na rin ng ibang incentives sa gobyerno kung may magagawa silang mas makakapag paunlad ng bansa.

Kung paano kukunin ang budget, ito ang solusyon ko. Makikipag bargain muna sa World Bank at huwag na munang magpaka pride-oriented para naman maawa sila kahit papano at bawasan ang utang natin.

At dahil malaki ang nakukurakot dito ng mga lokong pulitiko, ang mga mahuhuling mangungurakot ay puputulan ng kamay at ang mga kasabwat nila ay dila naman ang puputulin.

Para sa mga bilanggo naman, para may puwesto ang dumaraming Pilipino, dadalhin sila sa isang deserted island sa Pilipinas at kailangang pagandahin nila yun at paunlarin kundi ay mamamatay sila doon. Survival of the fittest na rin yun para makapagmuni muni sila sa kanilang mga kasalanan.

Bilang sagot sa overpopulation, bibigyan ng incentive ng gobyerno ang magkakaroon ng isang sanggol lamang sa bawat pamilya. Magkakaroon rin ng malawakang pagtatali sa mga lalaki at babae para di na sila magkaanak.

Libre na rin ang pag aaral sa elementary at high school at pati sa ilang state colleges. Ang mga graduates ng mga programa ng gobyerno ay required na magbigay ng kanilang tulong sa pamamagitan ng serbisyo sa anumang paraan na naisin nila.

Ang mga lalaki naman ay required na magkaroon ng 1 year na service sa pamamagitan ng military training para maging military reserves at para na rin maging mas disiplinado ang mga tao at iwas na rin sa mga tambay.

….

Marami pang programa pero makikita naman kung ano ang gusto ng aking adminstrasyon – na magkaroon ng sense of nationalism ang bawat Pilipino, maging disiplinado ang mga ito at higit sa lahat, maging accessible at efficient ang mga kagawaran at ang gobyerno na rin dahil sila ang nagpapatupad ng mga batas…


(1224 words)

No comments:

Post a Comment